Nakakapagpabagabag
Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero sa gabing ito, ako ay nababagabag. Siguro marahil wala pa akong magawang draft sa isang asignatura ko. Sa Biyernes na kasi ang pasahan nito at nagsisimula pa lang ako sa pinakamaikling parte ng report paper na ito- ang thesis statement. Nakakaloka diba!?!
Isa pa marahil ay wala pa akong napapapirmahan sa kinakailangang signature sheet sa aming organization. Applicant pa lang ako kaya mahirap pang proseso ang pinagdaraanan ko ngayon.
At ang huling dumurog ng aking puso't kalooban ay nang sinabi ng nanay ko (kahit pabiro) na ayaw niya sa lalaking gusto ko :'(
Sana lang tlga hindi ko narinig yun, kasi ang sakit pakinggan, sumisikip ang puso ko bawat minutong naaalala ko. Paano ko sasabihin na hindi ko kayang mawalay sa minamahal ko? Pagpasensyahan niyo na ako kung masyadong korny at mababaw ang pinaghihimutukan ko sa pananaw ng ibang tao, ngunit kailangan ko lang mailabas ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pagsulat dito.
Hindi ako papayag na mangyari yun, bagkus ay kailangang makita ng nanay ko na isang mabuti at responsableng tao ang minamahal ko.
Haay... nakakalungkot lang talaga, sana mawaglit na sa isipan ko ang mga ganitong problema nang sa ganun ay mamuhay ako ng masaya.
No comments:
Post a Comment